Karanasan sa OJT

Karanasan sa OJT

Ako nga pala si Prince Harold M. Joaquino. Nais ko lamang ibahagi ang aking naging karanasan sa aking OJT o On-Job-Training.

Sa umpisa, ang pagtatrabaho kasama ang mga taong sa una mo palang makikilala ay kaiba sa pakiramdam at syempre mahirap dahil pinangungunahan ka ng kaba. Kaba na baka sa kaunting pagkakamali mo palang ay mapagalitan ka o kaya naman ay di nila magustuhan ang ugali mo. Sa aking naging karanasan, ako ay naging tagamasid at tagapakinig sa aking mga nakasama sa OJT o trabaho. Habang dumaraan ang mga araw, ang pagkakaibigan at pagkakaunawaan sa isa’t-isa ay nabubuo. At ang mga inaakala kong mga ugali nila ay kaiba pala. Noong una takot pa akong magtanong o kaya naman makipausap pero ngayon ay hindi na, kapag may hindi ako alam sa aking itinalagang gawain ay maasahan ko sila na tumulong. Dito ko rin naranasan ang sobrang presyon na may nakatalagang oras lang ng pagawa sa mga itinalagang gawain sa iyo at mapagalitan o mapagsabihan pero kailangan iyon upang masanay ka at mamulat sa karanasang kailangan mo upang mabuhay at magtagumpay sa buhay. Dito ay mas lalong mahuhubog ang iyong angking abilidad. Magtatanong sila nang kung ano-ano tungkol sa iyo upang malaman nila kung saan ka may angkop na ilagay upang mas madali para sa’yo na gawin ang trabahong ibibigay sa iyo. Merong mahigpit na minsan panira ng kasanayan pero marami ka namang matututunan sa kanila.

Halos magiisang buwan na rin mula noong mapasok ako dito sa aking pinagoOJThan at habang tumatagal ay mas napapadali ang ibang mga trabaho ko dahil sa natututunan ko na at nakasanayan ko na ang ibang mga ipinapagawa. Yan ang aking mga karanasan sa aking naging OJT dito sa OCEANBOUND LLC.

-PHMJ

RELATED POST

“Blogs”

Pagsasanay

Ang Sulyap sa Buhay sa Aking Pag OOJT

 

 

 

 

 

Post Your Comment Here

Your email address will not be published. Required fields are marked *